Tuesday, September 25, 2007

ma, happy birthday

tomorrow, my mom will be 61. truly a senior citizen. hindi naman ako showy sa feelings, so ide-dedicate ko na lang ang post na ito sa kaisa-isang nanay ko. the best, sa mundo.

ano nga ba ang first memory ko sa nanay ko? the first memory i could dig, malakas ang boses.sobra.sobrang dali sa kanya ang mamalo. i should know, kse sa amin yatang magkakapatid ako ang may pinakamaraming natanggap na palo ng tsinelas at belt. sabagay, siguro dahil na rin sa ako ang pinaka-suwail at pinakamatigas ang ulong anak nya. naturingan pang bunso ---- favorite daw. in my case, totally not true. naalala ko pa ang mga palo nya saken, sobrang sakit talaga. at pagkapalo nya, ganito ang linya nya: "WAG KANG IIYAK!! WAG KANG IIYAK!!". kala nyo ba madali yun? napakahirap kimkimin ng iyak kapag nasaktan ka. kaya nga laging hikbi ang drama ko nung bata pa ako.

hindi ko na-experience mahatid ng parents sa 1st day nila sa school. my parents were busy then minding the canteen that they put up in one textile factory near us. laki ako sa lola (nung nursery, kinder lang naman). first day in school ko ganito ang drama:

lola (pumara ng jeep): ma, ibaba nyo nga ho ito sa central (ako ang tinutukoy dun)
lola (kausap si antuken): o, pagkababa mo, pumunta ka sa lola ela mo, ituturo nya sa yo ang klase mo.

isipin nyo naman yan. 4 yrs old pa lang ako nyan ha. takang-taka pa ako sa mga kaklase ko na nagpupumalahaw sa pag-iyak nun, ayaw mawalay sa mga magulang nila. sobrang busy ang nanay at tatay ko nun pagbabantay ng canteen, 24 hrs kse ang operation. ginagawa nila, iniiwanan na lang ako ng baon. na hindi naman binibigay ng lola ko. (direcho sa bangko yun) pero nalalayo ako sa kwento ko eh. si mudra ang topic of conversation dito.

ano nga ba ang katangi-tangi sa nanay ko?
1. maporma
isang alias na pwede sa kanya eh ms color coordinated. kung ang type nya ngayong araw eh pink. asahan mo pink sya all over. clothes, accessories, shoes, bag, ipit, everything talaga. ang akala ng mga officemates ko marami ako bags. at accessories. at shoes. ang hindi nila alam (ay alam pala nila, sinasabi ko e), sa nanay ko karamihan sa mga yun. swerte ko nga kse halos pareho kami ng shoe size. kaya nga pag may mga pasalubong ang mga friends at relatives nya, sinasabi ko na ambait naman nila kse pinasalubong-an din ako. hehe

2. palaban
hindi ko makakalimutan sa nanay ko, sinugod nya ang p.e. teacher ko nung grade 4 ako. binigyan kse ako ng grade na 85. nawala tuloy ako sa first honor. inaway nya si teacher. at tinanong kung baket daw mababa ang grade ko.

teacher: pano po kse dun sa practical exam, isa lang ang naipasok nya na serve (bale volleyball nga pala ang p.e. na to).
mudra: ABA NAMAN MISS! HINDI MO BA NAKIKITA ANG BRASO NG ANAK KO? HOW COULD YOU EXPECT HER NA MAKAPAG-SERVE NG MADAMI, EH AMPAYAT NG BRASO NG ANAK KO.

walang nasabi si teacher. pero shempre, final na ang grade na ibinigay saken. di na pwede bawiin. kaya pagdating ng next quarter, tumaas ulet ang grade ko. nasindak ata ni mamita. hehe.

eto pa isa: yang nanay ko pikon yan. kwento nga ng mga kuya ko, minsan kasali sila sa liga (basketball league), ganito ang pangyayari:

Kuya ko (itago natin sa pangalang Y) tumira, sala.
Crowd: ang galing ni Y! Whoo.
Mudra: Hoy! Bastos ka ah. Anak ko yang chini-cheer mo.

yan ang nanay ko. palaban.

3. the best cook in the whole wide world
the best sya magluto. wala na yatang mas masarap magluto sa kanya. namana ng mga kuya ko ang galing nya. ako, ewan ko ba naman, kung baket hindi yun ang namana ko sa kanya. sayang nga lang, ngayon di na sya mashado nagluluto. she has vitiligo kse. masama mainitan ang mga kamay.

4. matiyaga
pareho kami ng nanay ko na mahilig manood ng movies. meron nga ako kinukuhanan ng mga piratang dvd, ang sabi andami ko daw bumili. ang hindi nya alam, hindi ko pa napapanood ang mga nabili ko sa kanya. para yun sa nanay ko. pag may dala ako, asahan mo, papanoorin nya agad yun. ang gilmore girls box set ko nga natapos nya ata ng 3 araw eh. 6 seasons yun ha. titigil sya kapag sisikat na ang araw. ganun sya katiyaga manood. masama mo pa, kakakabit lang ng cable namin. hala, wala nang pahinga yang si mama.

5. very generous (aka galante)
kahit walang pera yan, go sa pagbigay ng mga regalo. pag-treat. pagpapakain sa bahay. sabi nga namin ng mga kuya ko, galit sa pera ang nanay ko. pag nagkapera, kelangan magastos nya. hehe.

6. very lenient
never ako nagkaron ng problema sa kanya (sa kanila ng daddy ko) pagpapaalam going out. kahit mga out of town trips. basta ang importante, alam nya kung sino kasama ko at san ang punta namin. hinding hindi ko nagawa na magsinungaling sa kanya pag may gimik ako. aba, nagagawa ko nga na tatawag ako sa kanya para mag-paprepare ng mga pika-pika at pulutan kse gusto namin mag-inom ng mga friends ko. one time i went out with my friends sa manila. shempre, bar-bar (college time to). ako nakapaguwi ng receipt/bill. kinabukasan, ang sabi saken baket sabi ko daw puro girls kami. sabi ko girls nga, except for G --- boypren ng friend ko. kilala naman nya si G. ang sagot nya: eh baket nakita ko ang resibo nyo, puro beer ang nandun. i told her beer ang iniinom namin. ang reaction? aba anak, hindi ka dapat umiinom ng beer. dapat mga ladies' drinks ang iniinom mo. o di ba, sosyal ang nanay ko.

7. mananahi rin si mama
pag meron ako mga damit na kelangan ng alterations, no need to go to a modista. kayang-kaya nya mag-alter. minsan nga bumili ako ng tela kse papatahi ko sana na beddings. aba, paguwi ko natahi na nya. eto nga desktop ko ginawan nya ng covers eh. for the monitor, keyboard at cpu.

8. magaling sa crossword ang mamita ko
sirang-sira ang araw ng nanay ko kapag ang section ng dyaryo na may crossword ay nawawala. as in. napapamura sya. isa sa mga pinagaaksayahan nya ng kwarta eh ang mga crossword puzzles (variety puzzles din) na nabibili sa booksale. buti nga dun sya bumibili. kung sa national bookstore or any normal magazine store, hay naco. baka pulubi na kami. at, kayang-kaya nya i-complete ang mga crossword puzzles na sinimulan nya.

9. kunsintidora
tulad ng nasabi ko, lagi lang ako nanghihiram ng bag sa nanay ko. dito nya na-discover na nagyo-yosi ako. yung bag kse na hiniram ko sa kanya eh gagamitin nya. nakita nya ang yosi dun sa bag. when she confronted me about it, inamin ko lang (graduate na ako nun). at okei na. ngayon nga sinasabihan pa ako na dapat daw isang ream na ang binibili ko para di ako nawawalan ng yosi. kse naman chain smoker si mama, kaya okei lang.

10. doting grandmama
spoiler ito. sobra. pag magm-mall kami, ang iniisip lagi nya, ano kaya ang mapapasalubong kay yohan. or tisha. or sofie. mga pamangkin ko yan.

11. life of the party
in other words, bangkera ang nanay ko. sa mga family gatherings at social gatherings. gusto lagi nila present ang nanay ko. kse ma-kwento.sobra. actually, dalawa sila na ganun. yung kakambal nya.

andami ko pa pwedeng masabi about my one and only nanay. kaya lang masakit na ang kamay ko kaka-type.

kulang ang isang gabi ng pagt-type para makwento ko ang mga nakakaaliw about her. all i know is, i haven't told her enough how much i love her and how much i appreciate everything that she's done for me (and my family). kumbaga, very thankful ako at sya ang nanay ko. kahit lagi kami nagkakasagutan nyan. at lagi ko sya nababara. (nasabi ko naman na may pagka-suwail akong anak di ba?) sabi nga nila ang asawa pwede mong piliin, ang pamilya hindi. pero, kung papipiliin ako, di na ako pipili pa ng iba. love you ma. so much. happy birthday!